KINILALA ang Filipino Gymnast na si Carlos Yulo bilang 2024 Athlete of the Year ng Philippine Sportswriters Association para sa kanyang gold performance sa 2024 Paris Olympics.
Naging overwhelming choice si Yulo sa naturang pagkilala dahil sa pag-uwi nito ng dalawang gintong medalya para sa Pilipinas matapos mamayagpag sa floor exercise at vault apparatus events sa gymnastics.
ALSO READ:
2025 Batang Pinoy Games, All Systems Go na sa General Santos City, sa kabila ng naramdamang lindol
NLEX, natakasan ang San Miguel sa PBA Season 50 Philippine Cup
Imports at Fil-Foreign players, binigyan na ng Go signal para makapaglaro sa PVL Reinforced Conference
Pinay Tennis Ace Alex Eala, handang pangunahan ang Team Philippines sa Thailand SEA Games
Noong nakaraang taon ay nanalo rin ang Pinoy Gymnast ng mga gintong medalya para sa individual all-around, floor exercise, vault, at parallel bars events ng Asian Championships sa Tashkent, Uzbekistan.
Igagawad ang parangal kay Yulo sa Annual Awards Night ng PSA sa Jan. 27.