21 May 2025
Calbayog City
Metro

Tradisyunal na “Pahalik” sa Imahen ng Itim na Nazareno, kasado na 

HANDA na ang tradisyonal na “Pahalik” sa Imahen ng Itim na Poong Nazareno na magsisimula, bukas,  Jan. 7, sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Sinabi ni Nazareno 2025 at Quiapo Church Spokesperson, Father  Robert Arellano, na bago mag umpisa ang “Pahalik” ay magkakaroon muna ng misa para sa mga volunteer para sa Kapistahan ng Hesus Nazareno ngayong Lunes.

Ang “Pahalik” ay tradisyon kung saan hinahawakan o hinahalikan ng mga deboto ang apatnaraang taong Imahen ng Itim na Poon.

Itinakda ito simula bukas hanggang sa mismong araw ng Kapistahan ng Nazareno, sa huwebes, Jan. 9.

Kabilang sa highlights ng  pista ay ang traslacion o prusisyon ng Imahen ng  Hesus Nazareno simula sa Quirino Grandstand hanggang sa Simbahan ng Quiapo.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.