7 February 2025
Calbayog City
Province

Lumubog na bayan sa Nueva Ecija, muling nakita bunsod ng pagbaba ng tubig sa Dam

MULING nasilayan ang lumang bayan ng Pantabangan sa Nueva Ecija matapos bumagsak ang lebel ng tubig sa Dam. 

Sa drone footage, nakunan ang tila maliit na isla sa gitna ng Pantabangan Dam, na dating bayan na lumubog noong 1970s para bigyang daan ang konstruksyon ng Dam. 

Muling nakita ang bakas ng dating munisipyo at simbahan sa lumubog na bayan na nakapukaw sa atensyon ng mga turista at mga residente.

Pinayagan naman ang publiko na kumuha ng mga litrato subalit ipinagbabawal ang paglapit sa lugar para sa kaligtasan ng lahat.

Sa pinakahuling tala, bumaba sa 175.18 meters ang water level ng dam, na mas mababa ng 45.82 meters sa normal high water level nito na 221 meters.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *