Binigyan ng akreditasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mobility and urban services platform na InDrive para magsilbing Transport Network Company (TNC) sa Pilipinas.
Sa statement, sinabi ng InDrive na i-a-activate nila ang kanilang application sa limang initial cities na kinabibilangan ng Bacolod, Baguio, Iloilo City, Cagayan de Oro, at Butuan, kung saan mayroon na silang driver registration campaign na tatagal hanggang sa katapusan ng taon.
Sa labas ng Pilipinas, ang InDrive ay mayroong presensya sa mahigit pitundaang lungsod sa apatnapu’t limang bansa, kabilang ang Indonesia, Malaysia, at Thailand.