SA harap ng inaasahang pagdagsa ng mga biyahero para sa Semana Santa, nagbigay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng special permits sa mahigit isanlibong bus.
Inihayag ni LTFRB Chairperson, Atty. Teofilo Guadiz III, na naglabas ang ahensya ng kabuuang 1,018 special permits, as of April 8, 2025.
ALSO READ:
Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal
Mosyon ng Kamara sa nabasurang Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ipinababasura sa Supreme Court
Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE
AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026
Layunin ng paglalabas ng special permits na dagdagan ang supply ng provincial buses sa kasagsagan ng pagdagsa ng mga pasahero na uuwi sa mga probinsya para gunitain ang Kwaresma.
Ayon sa LTFRB, valid ang special permits simula April 11 hanggang 27.