IPINAGMALAKI ni Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson, Atty. Teofilo Guadiz III, na walang stranded na pasahero sa gitna ng tigil-pasada na inorganisa ng grupong Piston at Manibela.
Sinabi ni Guadiz na kakaunti lamang ang lumahok na jeepney drivers at operators sa nationwide transport protest.
Gayunman, mayroong naunang mga ulat na ilang pasahero ang stranded kahapon ng umaga bunsod ng tigil-pasada.
Sa facebook posts ng Manibela, ibinahagi ng grupo ang mga litrato ng mga naapektuhang commuters sa Novaliches, Las Pinas, Caloocan, Pasig, at Cavite.
Depensa naman ni Guadiz, ang mga larawan aniya ay normal lamang na sitwasyon tuwing lunes.