MAHIGIT tatlunlibong college students mula sa National Capital Region ang tumanggap ng financial aid mula sa “Tara, Basa!” Tutoring Program ng Department of Social Welfare and Development.
Sinabi ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao na nag-trabaho ang mga estudyante bilang tutors at youth development workers.
Aniya, nagsagawa ng reading sessions ang mga college student sa mga nahihirapan o hindi pa marunong bumasa na elementary pupils, at nana-tatay teacher sessions sa mga magulang at guardians ng mga mag-aaral sa elementarya.
Kahapon ay nagkaroon ng cash payout sa pamantasan ng lungsod ng Valenzuela, kung saan kabuuang limandaang college students ang tumanggap ng kanilang cash-for-work.