GUMAWA ng ingay si Justin Brownlee sa paglalaro ng Gilas Pilipinas sa 2024 Fiba Olympic Qualifying Tournament sa Latvia, kung saan nakaabot hanggang sa semifinals ang pambansang koponan bago pinadapa ng World No. 12 Brazil na nagwakas sa pangarap na makapasok sa Paris Games.
Dahil dito, mag-uuwi ng karangalan ang naturalized Filipino matapos mapabilang sa All-Star Five sa Latvia Qualifiers dahil sa kanyang ipinakitang husay sa paglalaro ng basketball.
ALSO READ:
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Alex Eala, pinadapa ang pambato ng Thailand para makapasok sa Tennis Finals sa SEA Games
Pilipinas, nakasungkit ng 4 na gold medals sa SEA Games Practical Shooting
Kasama ni Brownlee sa All-Star Team sina MVP Bruno Caboclo ng Brazil; Richards Lomazs ng Latvia; Jeremiah Hill ng Cameroon, at isa pang Brazilian na si Leo Meindl.
Ang trenta’y sais anyos na si Brownlee ay nakapagtala ng average na 23 points, 8.3 rebounds, at 6.3 assists.
