BUMABA ng 0.3 percent ng Gross International Reserves (GIR) ng bansa noong Hunyo.
Sa preliminary data mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), naitala sa 104.7 billion dollars ang Gross Dollar Reserves hanggang noong katapusan ng Hunyo na bahagyang mas mababa kumpara sa 105.02 billion dollars hanggang noong katapusan ng Mayo.
Sa year-on-year o simula Enero hanggang Hunyo, mas mataas ito ng 5.3 percent kumpara sa 99.39 billion dollars na naitalang GIR sa unang anim na buwan ng 2023.
Ayon sa Central Bank, ang pagbaba ng GIR ay repleksyon ng pagbabayad ng national government ng foreign currency debt obligations at pagbaba ng halaga ng gold holdings ng BSP bunsod ng pagbaba ng presyo ng ginto sa international market.