NAGPATAWAG ng emergency meeting ang lokal na pamahalaan ng Calbiga sa mga Punong Barangay.
Ito’y matapos magpositibo umano sa African Swine Fever ang apat mula sa sampung samples na isinumite para sa ASF Laboratory Testing ang katabing bayan na San Sebastian.
Mga Calbayognon, pinayuhan ng City Health Office na mag-doble ingat laban sa Influenza-like Illnesses
Northern Samar Hospital, humingi ng pang-unawa sa gitna ng Overcrowding
Catarman, Northern Samar, idineklarang ‘Insurgency Free’
DPWH, humihirit ng 140 million pesos na Repair Fund para sa Calbiga Bridge sa Samar
Isa sa mga barangay sa Calbiga ang pansamantalang itinakda bilang ground zero o red zone, nang dalawa mula sa apat na baboy ang hinihinalang namatay sa ASF.
Agad namang naglatag ng Barangay Checkpoints (animal quarantine) sa loob ng 1 kilometer radius, bukod pa sa animal quarantine checkpoint sa kahabaan ng Maharlika Highway.
Epektibo na rin ang ban sa paggalaw o pagbiyahe sa mga baboy na nasa loob ng red zones, habang ang movement ng swine sa green zones o palabas lamang ay kailangan ng barangay certification na may lagda ng punong barangay na nagpapatunay na ang swine ay mula sa kanyang nasasakupan.
Ang animal quarantine sa Calbiga red at green zones ay magtatagal hanggang sa lumabas at mag-negatibo ang resulta ng samples.