HINDI na makapaglalaro sa professional leagues sa bansa ang Filipino basketball player na si John Amores, makaraang bawiin ng Games and Amusement Board (GAB) ang kanyang lisensya.
Kinumpirma ng GAB na napatunayang guilty si Amores sa “conduct unbecoming of a professional basketball player.”
ALSO READ:
Pinoy jet ski racers, nakasungkit ng medalya sa WGP-1 Waterjet World Cup 2025 sa Thailand
Tim Cone, pinuri ang teams ng Gilas Men and Women sa nakamit na tagumpay sa SEA Games
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Nakumpleto na ng ahensya ang kanilang imbestigasyon sa Northport player matapos masangkot sa insidente ng pamamaril sa Lumban, Laguna noong Setyembre.
Inakusahan si Amores na pinaputukan ng baril ang isang lalaki pagkatapos makipaglaro ng basketball sa kabilang barangay.
Sinampahan ng kasong attempted suicide ang PBA player, pati na ang kanyang kapatid, at kapwa sila nakalaya matapos magpiyansa.
