PINATAWAN ng 90-araw na suspensyon ng Land Transportation Office o LTO ang driver’s license ng isang tsuper ng bus na nakuhanan ng video na naglalaro ng onlinde sugal sa kaniyang cellphone habang nagmamaneho.
Ayon kay LTO Acting Assistant Secretary Atty. Greg G. Pua, Jr. inisyuhan din ng Show Cause Order ang driver ng Kersteen Joyce Transport Bus at inatasan itong magpaliwanag.
DILG, iniutos ang maagang paghahanda sa Super Typhoon “Uwan”
DOH, nagtaas ng Code Blue Alert kasunod ng deklarasyon ng State of National Calamity
760 million pesos na Cash Aid, ipinagkaloob ng Office of the President sa mga biktima ng Bagyong Tino
State of National Calamity, idineklara ni Pang. Marcos dahil sa pinsala ng Bagyong Tino at sa papasok na Super Typhoon Uwan
Sinabi ni Pua na dahil sa pagka-adik sa Online Gambling ng driver ay nalagay sa alanganin ang kaligtasan ng mga pasahero ng bus.
Sa video na kuha ng isang pasahero, kitang naglalaro ang driver sa cellphone niya habang bumibiyahe ng bus na may rutang Silang-Dasma sa Cavite.
Nahaharap ang driver sa reklamong paglabag sa Reckless Driving at Anti-Distracted Driving Act.
