5 July 2025
Calbayog City
Business

Limitadong gaming access sa online banking at e-wallet posibleng iutos ng BSP

gaming access bsp

Pinag-aaralan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na atasan ang mga Philippine financial institutions na limitahan ang gaming access ng kanilang mga user para maprotektahan ang mga ito laban sa online gambling.

Ayon sa BSP, mayroon nang draft ng circular para sa nasabing kautusan at isinasailalim na lamang ito sa review.

Sa ilalim ng circular, ang lahat ng BSP-supervised institutions (BSIs) gaya ng mga bangko at electronic money issuers ay aatasang protektahan ang kanilang mga user laban sa online gambling.

Bago tuluyang ilabas ang circular sinabi ng BSP na kailangang matiyak na mababalanse ng polisiya ang pagprotekta sa consumers at pagpapanatili ng paggamit ng digital payments sa mga negosyo.

Una nang naghain ng panukalang batas si Senator Sherwin Gatchalian para higpitan ang regulasyon sa online gambling at kasama dito ang pag-ban sa paggamit ng e-wallet para dito.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.