MAKATATANGGAP ang Muslim at Christian employees sa Ministries at Support Agencies sa ilalim ng Bangsamoro government ng tig-10,000 pesos na Ramadan bonus.
Inanunsyo ng Regional Officials na nilagdaan ng bagong appoint na Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na si Abdulraof Macacua, ang executive order na nag-aatas na mag-release ng naturang bonus.
12 kabataan, nahuli dahil sa iligal na karera ng mga motorsiklo sa Bulacan
Halos 10,000 na pulis, ipinakalat sa BARMM bilang paghahanda sa Parliamentary Elections
Bus ng Solid North suspendido ng 1 buwan matapos masangkot sa aksidente sa Nueva Ecija
Mahigit 2,400 na magsasaka sa Pampanga tumanggap ng tulong-pinansyal sa ilalim ng AKAP
Sinabi ni Macacua at ng iba pang matataas na BARMM officials na saklaw ng Ramadan bonus, pati mga contractual at job order personnel ng regional government.
Libu-libo ang BARMM employees sa regional capitol sa Cotabato City, at sa mga lalawigan ng Maguindanao Del Sur, Maguindanao Del Norte, Lanao Del Sur at Tawi-Tawi, at mga siyudad ng Lamitan at Marawi.