TIMBOG ang Indonesian na lalaki bunsod ng umano’y pagkuha ng malalaswang litrato at videos ng kabataang babae sa Quezon City.
Dinakip ang bente otso anyos na dayuhan na kadarating lamang sa Pilipinas, matapos umanong mambiktima at abusuhin ang mga batang babae sa online kapalit ng halaga na hanggang dalawampung libong piso.
Ayon sa pulisya, nag-alok ng pera ang suspek sa isang grupo ng mga ina na ang kanilang anak ay nagfa-fashion show sa online.
Modus umano ng dayuhan na mag-sponsor para sa fashion show activity hanggang sa manghingi na ito ng ibang mga serbisyo kung saan mas malaki na ang alok na bayad.
Isa sa mga ina ang nag-report ng insidente sa pulisya makaraang maalarma sa umano’y extra service na hinihingi ng Indonesian sa walong taong gulang niyang anak na babae.