WALA nang inilaang pondo ang Office of the Vice President para sa Publication at Distribution ng librong “Isang Kaibigan” ni Vice President Sara Duterte.
Nasa P10 milyon ang unang inihihirit na pondo ng OVP para sa kontrobersiyal na libro.
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Sa Press Briefing sinabi ni OVP Assistant Chief of Staff Lemuel Ortonio, sa ilalim ng panukalang Budget para sa 2026 ang “Isang Kaibigan” book ay hindi na magiging bahagi ng 100-Million Pesos “Pagbabago Campaign”.
Unang tinarget ng OVP na makapagpamahagi ng kopya ng libro kasama ang iba pang school supplies sa 200,000 na estudyante sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Sa halip sinabi ni Ortonio na lalamanin na lamang ng “Pagbabago Bag” ang mga School Supplies at Dental Kits.
Noong nakaraang taon, naging mitsa ng pagtatalo nina VP Sara at Senator Risa Hontiveros nang kwestyunin ng senadora ang napakalaking pondo na ilalaan para sa libro.
