Nagpulong sina Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy at Edberto Versoza, Provincial Officer ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Samar, para talakayin ang paglalagay ng libreng Wi-Fi sa lungsod.
Sa naturang meeting, humiling si Versoza ng manpower at technical support mula sa lokal na pamahalaan para sa installation ng free Wi-Fi sa labing apat na lokasyon sa Calbayog City.
Ang hakbang ay bahagi ng DICT Wi-Fi projects, partikular sa ilalim ng “Provision of Internet Connectivity Service (PICS) in Municipalities (PIC Mun)” program.
Kinilala ang Calbayog City bilang isa sa recipients ng naturang programa, na may tatlong designated sites, sa isang event na ginanap sa Tacloban City.