Ikinagalak ni senatorial candidate at Makati Mayor Abby Binay ang plano ng World Health Organization o WHO na magbigay ng libreng cancer medicines sa mga batang mamamayan ng mga low hanggang middle-income countries.
Aniya, magandang balita ito lalo na para sa Pilipinas na isa ang cancer sa pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga bata.
Kaya naman aniya, isa sa mga isusulong niya sa Senado ang magkaroon ng libreng access sa mga life-saving ngunit mamahaling mga gamot ang mga may cancer at iba pang malubhang mga sakit, lalo na yung mga galing sa mahirap na pamilya.
Diin ni Mayor Abby, hindi dapat maging death sentence ang pagkakasakit ng cancer dahil sa walang perang pambili ng gamot, pampa-chemotherapyo radiation. Aniya, dapat matulungan lalo na ang mga batang may cancer para gumaling sila, lumaki at magpunyagi para sa kanilang mga pangarap.
Umaasa ang alkalde na mapapabilang ang Pilipinas sa pilot sites ng WHO initiative na ito. Aniya pa, maging inspirasyon sana ito para paigtingin pa ng national government ang pagtulong sa pagpapagaling ng mga batang cancer patient at nang maisalba ang kanilang mga pamilya sa pagkakabaon sa utang at lalong paghihirap.
Sa administrasyon ni Mayor Abby, nagbibigay ang Makati ng libreng maintenance medicines sa senior citizens at iba pang mga residente na may alta presyon, diabetes, kidney disease, cancer, at iba pang mga sakit. Libre at unlimited din ang dialysis at chemotherapy sessions para sa mga pasyenteng sakop ng Yellow Card.