14 October 2025
Calbayog City
National

Libreng cancer medicines sa mga bata,  isinulong ni Mayor Abby Binay

libreng cancer medicines

Ikinagalak ni senatorial candidate at Makati Mayor Abby Binay ang plano ng World Health Organization o WHO  na magbigay ng libreng cancer medicines sa mga batang mamamayan ng mga low hanggang middle-income countries.

Aniya, magandang balita ito lalo na para sa Pilipinas na isa ang cancer sa pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga bata.

Kaya naman aniya, isa sa mga isusulong niya sa Senado ang magkaroon ng libreng access sa mga life-saving ngunit mamahaling mga gamot ang mga may cancer at iba pang malubhang mga sakit, lalo na yung mga galing sa mahirap na pamilya.

Diin ni Mayor Abby, hindi dapat maging death sentence ang pagkakasakit ng cancer dahil sa walang perang pambili ng gamot, pampa-chemotherapyo radiation. Aniya, dapat matulungan lalo na ang mga batang may cancer para gumaling sila, lumaki at magpunyagi para sa kanilang mga pangarap.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).