LIBO-LIBONG katao ang nagtipon-tipon para ipagdiwang ang Filipino LGBTQIA+ community sa Pride PH Festival sa Quezon City noong Sabado.
Sa statement mula sa organizers na Pride PH at Quezon City Government, umabot sa mahigit 200,000 individuals ang lumahok sa Love Laban 2 Everyone Festival.
ALSO READ:
Maynila, nakasingil na ng 12 million pesos na hindi nabayarang buwis ng mga kontratista mula sa Flood Control Projects – Mayor Isko Moreno
Palit Plaka Program pinalawig ng LTO-NCR
Viral overlapping street signs sa Maynila pinabaklas na
MMDA, UP Resilience Institute magtutulungan sa epektibong flood management
Dumating sa venue ang mga dumalo suot ang kanilang makukulay na kulay na damit at costumes na fit para sa runway.
Samantala, mayroong ding mga booth sa festival na nag-alok ng mga serbisyo, gaya ng libreng HIV testing.
Nagsimula ang parada sa kahabaan ng Tomas Morato Avenue hanggang sa makarating sa Quezon City Memorial Circle.