NAKUMPLETO na ng Korean actor na si Lee Do-Hyun ang kanyang mandatory military service.
Na-discharge ang “The Glory” star, noong Martes, matapos magsilbi sa Air Force Band.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Sa Instagram, sinabi ni Lee na ginawa niya ang kanyang best sa military at nagserbisyo ng walang pagsisisi, at ang tanging naiwan sa kanya ay “happy memories and a good heart.”
Sa ngayon aniya ay naghahanda siya para sa personal interactions sa kanyang fans na hindi niya nagawa bunsod ng mandatory military service.
August 2023 nang magpa-enlist si Lee sa South Korea military. Bukod sa “The Glory,” nakilala rin si Lee sa Korean dramas na “Hotel De Luna” at “The Good Bad Mother.”
