POSIBLENG hindi makapaglaro si Los Angeles Lakers Star Lebron James ng isa hanggang dalawang linggo dahil sa groin strain, batay sa report ng ESPN.
Natamo ni James ang injury sa fourth quarter ng 111-101 loss ng Lakers kontra Boston Celtics noong Sabado ng gabi (oras sa Amerika).
ALSO READ:
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Alex Eala, pinadapa ang pambato ng Thailand para makapasok sa Tennis Finals sa SEA Games
Ayon sa report, nakatakdang sumalang ang NBA Star sa panibagong evaluation.
Dahil sa posibleng hindi paglalaro ni James, babagsak ang responsibilidad ng opensa kay Luca Doncic na na-acquire ng Lakers sa trade sa Dallas Mavericks noong nakaraang buwan.
