PUMALO sa 2.56 trillion pesos ang gross borrowings ng national government noong 2024.
Bahagya itong mas mababa sa 2.57 trillion peso borrowing plan ng Pamahalaan para sa naturang taon.
Ayon sa Bureau of Treasury, ang 2.56 trillion pesos na kabuuang utang ng gobyerno noong nakaraang taon ay mas mataas ng 16.93 percent kumpara sa naitala noong 2023.
Umakyat sa 1.92 trillion pesos ang gross domestic debt noong nakaraang taon, mas mataas ng 17.69%, at kumakatawan sa 75% ng borrowing.
Tumaas naman ng 14.69% o sa 641.17 billion pesos ang gross external debt, na mas mababa sa 642.5 billion peso target para sa foreign borrowing.