NAGDEKLARA ng State of Calamity sa Cebu City matapos ang trahedya sa gumuhong landfill sa Barangay Binaliw.
Sa resolusyon ng City Council, inaprubahan ang pagpapalabas ng 30 million pesos na Disaster Fund ng lungsod para matugunan din ang pagkaantala ng serbisyo sa garbage disposal.
Kukuhanin ang nasabing halaga sa Quick Response Fund ng Local Disaster Risk Reduction and Management Fund para sa taong 2026.
Hanggang kahapon January 13, umakyat na sa labintatlo na ang naitalang nasawi habang dalawampu’t tatlo pa ang nawawala.




