IPINASILIP ng Department of Transportation (DOTr) ang latest progress sa itinatayong kauna-unahang Subway sa bansa.
Sa video mula sa Sumitomo Mitsui Construction Co., Ltd. makikita ang pag-arangkada ng Contract Package 103, na sumasaklaw sa pagtatayo ng dalawang (2) underground subway stations — ang Anonas Station at Camp Aguinaldo Station.
Kasama din ang ongoing works sa Baliuag Fabrication Yard sa Bulacan.
Ayon sa DOTr, sa oras na matapos ang Metro Manila Subway Project (MMSP), na may bilis na 80kph, asahan ang mas maikli at kumportableng biyahe mula at patungong Valenzuela City hanggang NAIA Terminal 3.
Bababa kasi sa 41-minuto na lamang ang biyahe kumpara sa kasalukuyang biyahe na isang (1) oras at tatlumpung (30) minuto. Inaasahan din na mahigit 519,000 pasahero kada araw ang gagamit ng subway sa unang taon ng serbisyo nito.