22 April 2025
Calbayog City
Province

BARMM Police, nakataas pa rin ang alerto sa gitna ng COC filing para sa 2025 Parliamentary Elections

TINIYAK ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) ang kahandaan sa paghahain ng Certificates of Candidacy (COCs) para sa 2025 Parliamentary Elections, na nagsimula ngayong Lunes at magtatapos sa Sabado.

Ginarantiyahan ni PRO-BAR Regional Director, Police Brig. Gen. Romeo Macapa sa publiko na mananatili ang heightened security measures upang maseguro ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon, kasunod ng paggunita sa undas.

Sinabi ni Macapa na hindi sila magbababa ng alerto, kasabay ng pagbibigay diin na mahalaga ang pinaigting na police visibility sa mga itinalagang filing venue, kabilang na ang COMELEC Provincial Offices, Bangsamoro Government Center, at iba pang key areas.

Idineploy ang police personnel sa filing locations para sa crowd control, umalalay sa trapiko, at tumulong sa mga kandidato at publiko sa pamamagitan ng help desks.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).