HINARANG ng Security Screening Officers (SSOs) ng Office for Transportation Security (OTS) ang isang pasahero matapos makita ang sobra-sobrang pera na nasa bagahe nito nang dumaan siya sa Routine Security Screening sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Nadiskubre ang mga pera nang sumalang sa X-ray ang bagahe ng pasahero na patungong Hong Kong.
Sa ginawang Manual Inspection, natuklasan na dala ng pasahero ang 58 bundles ng $100 bills na nagkakahalaga ng $580,000 USD, at ₱1,200,000 na cash. Sa kabuuan ay aabot sa ₱34 million ang dala niyang cash na hindi niya idineklara.
Pinaalalahanan ng OTS ang mga pasahero na sundin ang polisiya ng paliparan sa pagdadala ng cash.