9 July 2025
Calbayog City
National

309 million pesos na pondo para sa pagtatayo ng Child Development Centers sa 103 na barangay, aprubado na ng DBM

INAPRUBAHAN ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang pagpapalabas ng P309 milyon para sa 103 na mga barangay upang makapagtayo sila ng Child Development Centers (CDCs).

Ang inisyatibang ito ay nasa ilalim ng Local Government Support Fund – Financial Assistance to LGUs (LGSF-FA) to LGUs sa 2025 National Budget.

Ayon kay Pangandaman, pagtugon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na tugunan ang pangangailangan ng mga bata bago pa man sila pumasok sa paaralan.

May kabuuang 328 na Low-Income LGUs ang target na makikinabang dito, kung saan 89 sa Luzon, 106 sa Visayas, at 133 sa Mindanao, kabilang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa ilalim ng programa, ang mga LGU ay dapat maglaan ng hindi bababa sa 150 square meters ng lupa, lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Early Childhood Care and Development (ECCD) Council, at gampanan ang mga Operational Responsibilities upang matiyak ang Long-Term Viability ng mga CDC.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.