NAARESTO sa pinagsanib na operasyon ng Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI) ang siyam na dayuhan na sangkot sa Online Loan Fraud Scheme.
Isinagawa ang operasyon sa isang condominium unit sa Parañaque City na sinimulan gabi ng Miyerkules, June 25 hanggang madaling araw ng Huwebes, June 26.
Ikinasa ang operasyon sa bisa ng Mission Order na inisyu laban sa dalawang puganteng dayuhan na nagbunsod sa pagkakadiskubre sa siyam na dayuhang sangkot sa panloloko online.
Ang mga nadakip ay pawang Korean Nationals na edad 29 hanggang 31 at nahuli sa aktong nag-ooperate ng Scam Platforms.
Kasalukuyang nakakulong sa Organized and Transnational Crime Division ng NBI ang mga dayuhan at nakatakdang ilipat sa BI Warden Facility.