PATAY ang tatlong araw na bagong silang na sanggol matapos maipit sa pagitan ng kadena at gulong ng motorsiklo ng kanyang pamilya, sa bayan ng Tigkawayan, sa Quezon.
Pauwi na ang sanggol at mga magulang nito sa kanilang bahay sa Del Gallego, Camarines Sur mula sa ospital nang mangyari ang aksidente.
Karga ng ina ang baby na nakabalot sa kumot habang naka-angkas sa likod ng motorsiklo na minamaneho ng mister.
Nangyari ang trahedya nang kainin ng kadena ng motorskilo ang lumaylay na bahagi ng kumot at mahila ang sanggol hanggang sa maipit ito sa gulong.
Naisugod pa ang baby sa ospital subalit idineklara itong Dead on Arrival.