INARESTO ng mga awtoridad ang kwarenta’y uno anyos na lalaki matapos gawing hostage ang dalawang taong gulang na anak na babae ng kanyang kaibigan, sa Barangay Pasong Tamo, sa Quezon City.
Armado ng kutsilyo ang suspek nang tangayin nito ang batang babae palayo sa mga magulang nito.
ALSO READ:
Mahigit 200 pulis, ide-deploy para sa 2025 MMFF parade ngayong Biyernes
Guro sa Maynila, inaresto dahil sa umano’y pagbabanta at pamimilit sa 1 estudyante na kumain ng ipis
MMDA nabahala sa tambak na basura sa pumping stations ilang araw bago ang Pasko
MMDA, magpapatupad ng Lane Closure at Stop-And-Go Scheme sa Makati sa Dec. 19 para sa MMFF 2025 Parade
Matapos bitbitin ang biktima ay sumakay ang suspek ng jeep na minamaneho ng lolo ng bata.
Nakasakay din ang nanay ng biktima, gayundin ang asawa ng suspek.
Na-korner at dinakip ng mga pulis ang lalaki sa kanto ng Quezon Avenue at Elliptical Road matapos itong kuyugin ng mga galit na residente.
