INANUNSYO ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac ang provisional release para sa labimpitong Pilipino na inaresto sa Qatar dahil sa Unauthorized Political Demonstration.
Sa press briefing, sinabi ni Cacdac na inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang concerned authorities upang tiyakin ang agarang paglaya mula sa detention ng labimpitong Pinoy.
Grupong BAYAN inihahanda na ang panibagong malawakang protesta- Panukalang bumalik ang bansa sa Rome Statute hindi pa natatalakay ng Palasyo
VP Sara, bilib sa mga dating sundalong nagbunyag ng sabwatan ng ilang mambabatas at ICC investigators
Dating Pangulong Duterte, walang direktang utos ng pagpaslang sa Oplan Tokhang, ayon sa defense lawyer
Unang pinakawalan ang mga lalaki habang sumunod ang mga babae makalipas ang isa’t kalahating oras.
Nilinaw naman ng kalihim na ongoing pa ang imbestigasyon, kaya’t hindi pa maaring makauwi sa bansa ang mga Pinoy.
Pinatitiyak din aniya ni Pangulong Marcos ang ipagkakaloob na legal aid, at nais ding masiguro na nasa maayos na medical at physical condition ang mga Pilipino.
