7 July 2025
Calbayog City
National

Malakas na pagputok, naitala sa Mt. Kanlaon; mas malakas na pagsabog, posible sa mga susunod na araw

NAGKAROON ng malakas na pagputok ang Mt. Kanlaon umaga ng Martes, April 8.

Ayon sa PHIVOLCS nagdulot ito ng pagbubuga ng makapal na ash plume na umabot sa 4,000 meters ang taas at ang direksyon ay southwest.

Nananatiling nakataas ang alert level 3 sa Mt. Kanlaon.

Pinayuhan a ang mga residente sa mga apektadong barangay na maging alerto at maging handa sa posibleng paglilikas.

Ayon sa PHIVOLCS, kabilang sa mga barangay na naapektuhan ng ash fall ang Barangays Cubay, San Miguel, at La Granja sa La Carlota City.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.