NOT above the law.
Sa opening statement ni ICC Deputy Prosecutor Mandiaye Niang sa Confirmation Hearing sa mga kaso ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nitong kahit ang mga nasa kapangyarihan ay hindi “above the law”.
Sa pahayag ng prosekusyon, binanggit ang mga naging papel ng dating pangulo sa war on drugs sa bansa mula pa noong mayor ito hanggang sa siya ay naging presidente.
Ayon pa kay Niang, hindi masasabing isolated ang mga pangyayari dahil base sa mga ebidensya, widespread at systematic ang mga nangyaring pamamaslang.
Binaggit din ni Niang na si Duterte mismo ang nagbibigay ng financial support, mga armas, mga bala at logistical support para maisakatuparan ang pagpaslang sa mga direct perpetrators.
Sinabi rin sa opening statement na ang miyembro ng Davao Death Squad ay may regular na sweldo at may cash reward.
May mga pagkakataon pa umanong si Duterte mismo ang personal na pumipili ng mga magiging target noong panahong siya pa ang mayor ng Davao City.




