Pinangangambahang magsasara na ang isang makasaysayang kumbento sa Southern Spain dahil apat na ang madreng natitira dito.
Patuloy ang panawagan ng Corazon Eucaristico de Jesus Convent sa Ronda City sa Spain sa mga nagnanais na mag madre.
Sa ilalim ng Vatican Rules, ang mga kumbento na mayroong mas mababa sa anim ang bilang ng miyembro ay hindi na pwedeng patuloy na mag-operate.
Sa Oktubre ay nakatakdang ipagdiwang ng Roman Catholic Nuns ang kanilang ika-100 anibersaryo.