PUMANAW na ang beteranong aktor na si Cocoy Laurel sa edad na pitumpu’t dalawa.
Kinumpirma kahapon ng pamilya Laurel sa Facebook na binawian ng buhay ang veteran actor noong Sabado, june 14.
Alexa Miro, pahinga muna ang puso matapos ang breakup kay Sandro Marcos
Willie Revillame muntik maloko ng scammer na ginamit ang boses ni Former President Gloria Arroyo
‘Sisa,’ naiuwi ang Best Screenplay sa Fantasporto sa Portugal
Aktres na si Ruby Ruiz, nakauwi na sa Pilipinas matapos ma-stranded sa Dubai
Hindi naman binanggit sa post ang Cause of Death ng beteranong aktor.
Si Cocoy o Victor D. Laurel na isinilang noong March 2, 1953, ay anak nina Yumaong Vice President Salvador Laurel at Yumaong Mang-aawit at Stage Actress Celia Diaz Laurel.
Sinimulan ni Cocoy ang kanyang karera noong siya ay teenager at sumikat sa pag-arte, kasama ang namayapang superstar na si Nora Aunor sa “Lollipops and Roses” noong 1971.
Bukod sa pagiging movie star, isa rin siyang esteemed theater actor, na nakilala sa kanyang role bilang The Engineer sa Hit Musical na “Miss Saigon” at JEAN Valjean sa “Les Misérables.”
