TUTOL ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga panawagang Snap Elections at pagpapatalsik sa pwesto kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay CBCP President Cardinal Pablo Virgilio David, solusyonan na dapat ang korapsyon sa pamamagitan ng Accountability at hindi sa pamamaraan ng Political Shortcuts.
Integridad sa Liderato ni Lt. General Nartatez, Bagong Mukha ng Philippine National Police
Aftershocks sa Magnitude 6.9 na lindol sa Cebu, sumampa na sa mahigit 10K – PHIVOLCS
Ombudsman Remulla, target isampa sa Sandiganbayan ang mga kaso kaugnay ng Flood Control Scandal sa mga susunod na linggo
Mahigit 400 mula sa 8K Flood Control Projects na naunang ininspeksyon, natuklasang ‘Ghosts’ – DPWH
Panawagan ni David sa sambayanan, huwag makiisa sa mga panawagang Coup, Revolutionary Government, Military Rule, at Snap Elections.
Dapat aniyang hayaang umiral ang Rule of Law at hayaang mabilanggo ang lahat ng nasa likod ng korapsyon at pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Ayon kay David, kung binigo tayo ng gobyerno, hindi tamang basta nalamang natin ito itapon sa halip ay hayaan natin itong maging maayos.
Paalala ng CBCP president sa publiko, huwag maging bahagi ng problemasa halip ay parte dapat tayo ng solusyon.