BINABANTAYAN ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang presensya ng Chinese research vessel na Song Hang na namataang naglalayag sa bahagi ng Celebes Sea.
Namataan ang barko ng China sa 37 nautical miles south ng Cuyo Island tanghali ng Martes, April 1.
ALSO READ:
Mahigit 32,000 na bagong guro, asahan sa susunod na taon – DepEd
Sandiganbayan 6th Division, kinonsolidate ang mga kaso sa 289-Million Peso Naujan Flood Control Case
Dating DPWH Secretary Rogelio Singson, nagbitiw sa ICI
Dating Senador Bong Revilla at iba pang personalidad, inirekomendang kasuhan ng ICI bunsod ng flood control scandal
Bagaman maaaring maglayag sa lugar ang barko sa ilalim ng “Right of Innocent Passage” ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), tiniyak ng PCG na masusing imo-monitor ang galaw ng barko para matiyak na sumusunod ito sa domestic at international maritime regulations.
Iniutos na ng PCG ang pag-deploy sa aerial assets nito para makapagsagawa ng surveillance. (DDC)
