PUMANGALAWA ang Graft and Corruption sa Top National Concerns ng mga Pilipino, batay sa pinakabagong Survey ng OCTA Research Group.
Ayon sa OCTA, ito ang unang beses na pumasok ang katiwalian sa Top Five National Issues sa kanilang tugon ng masa Surveys.
Batay sa Sept. 25-30 Survey na nilahukan ng 1,200 adult respondents, tumaas ng 18 points o sa 31% ang Corruption Concerns, mula sa 13% noong Hulyo.
Ito ang pinakamataas na naitalang Level of Concern ng OCTA.
Samantala, nangunguna pa rin ang pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa mga alalahanin ng mga Pinoy na nasa 48% na bahagyang mas mababa mula sa 50% kumpara sa nagdaang Survey.
Ikatlo ang Access sa abot-kayang presyo ng pagkain, 31%; sumunod ang umento sa sweldo, 27%; at paglikha ng karagdagang trabaho na nasa 23 percent.




