LUMAGO ng 1.9% ang koleksyon ng Bureau of Customs (BOC) noong 2025 na halos umabot sa isang trilyong piso.
Batay sa datos ng BOC, umakyat sa 934 billion pesos ang kanilang koleksyon simula Enero hanggang Disyembre ng nakaraang taon.
Mas mataas ito ng 17.76 billion pesos mula sa 916.674 billion pesos na naitala noong 2024.
Sinabi ng Customs na naabot ang revenue growth sa kabila ng mga pagsubok, kabilang ang bumabang import volumes, suspension ng rice importation, at global commodity price fluctuations.




