OPISYAL nang inanunsyo ng Department of Education (DepEd) ang pagbubukas ng klase para sa School Year 2025-2026 sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa sa June 16.
Ang hakbang na ito ay pagbabalik sa Pre-Pandemic School Calendar, alinsunod sa nakasaad sa deped Order No. 12, Series of 2025.
Magtatagal ang school year hanggang sa March 31, 2026, kung saan saklaw nito ang 197 class days, kabilang ang End-of-School-Year Rites.
Binigyang diin ng DepEd na maari pang mabago ang naturang bilang batay sa unforeseen events at mga susunod na direktiba.
Itinakda naman ang Enrollment at Brigada Eskwela simula sa June 9 hanggang 13, isang linggo bago opisyal na magsimula ang mga klase.