Tikom pa rin ang bibig ng TV-Host Actress na si Kim Chiu kaugnay ng kumakalat na balitang hiwalay na sila ng boyfriend na si Xian Lim.
Nang tanungin si Kim tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Xian, sinabi ng aktres na sa kanila na lamang muna iyon.
Taliwas ito sa naunang pahayag ng aktres noong Oct. 31 kung saan sinabi niyang maayos silang dalawa ng nobyo at walang dapat ipag-alala ang kanilang fans dahil nananatiling matatag ang kanilang relasyon.
Idinagdag pa ni Kim na mapanlinlang ang showbiz, pero maayos at masaya naman sila ni Xian.
Umugong ang mga espkulasyon na may pinadadaanan ang relasyon nina Kim at Xian nang mapansin ng mga netizen na hindi na sila madalas nakikitang magkasama, lalo na sa mga nagdaang bakasyon ng TV-Host.