UMAKYAT na sa labindalawa ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Enteng, ayon sa Office of Civil Defense.
Sinabi ni OCD Spokesperson Edgar Posadas na karamihan sa mga nasawi ay nalunod.
ALSO READ:
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Kabilang aniya sa mga biktima ay isang indibidwal na dumanas ng head trauma makaraang mabagsakan ng gumuhong pader.
Una nang napaulat ang pagkasawi ng isang buntis, lalaking nakuryente sa baha, at isang sanggol na nalunod habang binabayo ng Bagyong Enteng ang bansa.
Iniulat din ni posadas na nasa 62,959 families o 240,000 individuals ang naapektuhan ng kalamidad.
