6 July 2025
Calbayog City
Sports

Kevin Quiambao, na-sprain sa unang laro niya sa Korean Basketball League

MABILIS na natapos ang pinakahihintay na unang laro ni Kevin Quiambao sa Korean Basketball League (KBL) bunsod ng na-sprain na bukong-bukong sa unang quarter ng laban sa pagitan ng Goyang Sono Skygunners at top-seeded na Seoul SK Knights, sa Goyang Gymnasium.

Napasama ang pagbagsak ni Quiambao matapos ang three-point attempt sa 7 minutes and 42 seconds mark ng second quarter.

Nanalo ang Seoul matapos ilampaso ang Skygunners sa score na 84-57.

Ang Two-Time UAAP MVP mula La Salle ay nakapagtala ng 6 points sa pamamagitan ng dalawang 3 points, isang rebound sa loob ng halos pitong minutong paglalaro.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).