HINDI makapaglalaro si Phoenix Suns Star Kevin Durant dahil kailangang isailalim sa re-evaluation ang na-sprain nitong kaliwang ankle o bukong-bukong sa loob ng isang linggo, batay sa report ng ESPN.
Hindi na naituloy ng veteran forward ang paglalaro sa second half ng game kung saan nanalo ang Suns sa score na 104-93 laban sa bumisitang San Antonio Spurs, noong martes ng gabi, oras sa Amerika.
ALSO READ:
NLEX, natakasan ang San Miguel sa PBA Season 50 Philippine Cup
Imports at Fil-Foreign players, binigyan na ng Go signal para makapaglaro sa PVL Reinforced Conference
Pinay Tennis Ace Alex Eala, handang pangunahan ang Team Philippines sa Thailand SEA Games
Magnolia, naungusan ang Barangay Ginebra sa Debut ni LA Tenorio bilang Head coach
Na-injure ang trenta’y sais anyos na si Durant nang matapakan nito ang paa ni Julian Champagnie ng San Antonio, mahigit apat na minuto ang nalalabi bago matapos ang second quarter.
Kababalik lamang ni Durant sa nba noong Nov. 26 mula naman sa left calf strain injury.