15 March 2025
Calbayog City
Overseas

20 katao, naapektuhan ng chemical leak sa Kuala Lumpur International Airport sa Malaysia

DALAWAMPU katao ang naapektuhan ng chemical leak sa isang aircraft engineering facility sa Kuala Lumpur International Airport sa Malaysia.

Ayon sa Selangor State Fire Department, wala namang disruptions o pagkagambala sa operasyon ng airport at hindi rin nagkaroon ng banta sa kaligtasan ng publiko.

Sinabi ng fire department na ang dalawampung airport personnel na naapektuhan ng chemical leak ay nakaranas ng pagkahilo at agad namang nabigyan ng atensyong medikal.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.