BUMUO ang Department of Transportation (DOTr) ng special committee na magre-review sa Public Transport Modernization Program (PTMP), na dating kilala bilang PUV Modernization Program ng pamahalaan.
Sa special order na nilagdaan ni Transportation Secretary Vince Dizon, inatasan nito ang komite na konsultahin ang iba’t ibang stakeholders; pag-aralan at rebyuhin ang kasalukuyang estado at progreso ng PTMP; at tukuyin ang mga problemang mahalaga sa programa.
Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal
Mosyon ng Kamara sa nabasurang Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ipinababasura sa Supreme Court
Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE
AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026
Inaasahan din na maisusumite ng task force ang kanilang rekomendasyon sa Office of the Secretary sa loob ng isang linggo, pagkatapos nilang matanggap ang order, at gampanan ang iba pa nilang mga tungkulin na kinakailangan para mapabilis ang implementasyon ng programa.
Ang komite ay pamumunuan ni DOTr Undersecretary for Road Transport and Non-Infrastructure Ramon Reyes.