BINUKSAN ng Department of Science and Technology (DOST) ang kauna-unahang Glycogen Extraction Facility sa bansa, sa Tacloban City, kung saan kino-convert ang green mussels o tahong para maging High-Value Glycogen para sa diverse applications.
Sinabi ni DOST – Eastern Visayas Director John Glenn Ocana, na inaasahang makalilikha ang proyekto ng bagong Socio-Economic Develoment para sa rehiyon.
Ang 8-million peso facility na pinondohan ng DOST – Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development, ay matatagpuan sa loob ng property ng University of the Philippines sa barangay New Kawayan.
Ang pagtatayo ng naturang pasilidad ang nakikitang solusyon sa madalas na red tide, na nakaaapekto sa kabuhayan ng mga magsasaka sa rehiyon.