INUGA ng magnitude 5.4 na lindol ang katubigan ng Northern Samar, 12:41 p.m., kahapon.
Natunton ng PHIVOLCS ang epicenter ng lindol, 91 kilometers hilagang silangan ng munisipalidad ng Mapanas.
Ang lindol na tectonic in origin ay may lalim na sampung kilometro.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang intensity 2 sa Palapag.
Wala namang naiulat na pinsala subalit posible ang aftershocks.