7 August 2025
Calbayog City
Local

Katawan ng dinukot na caregiver, natagpuang palutang-lutang sa katubigan ng Tacloban City

KINUMPIRMA ng pulisya na ang natagpuang bangkay na palutang-lutang sa katubigan ng Barangay 99-Diit sa Tacloban City ay sa isang babae na napaulat na dinukot sa Ormoc City noong nakaraang linggo.

Kinilala lamang ang biktima sa pangalang “Thea,” trenta’y singko anyos na single mother at caregiver mula sa Barangay Valencia, Ormoc City.

Kinidnap umano ang biktima ng tatlong armadong kalalakihan at sapilitang ipinasok sa kulay itim na sasakyan noong July 13, saka tinangay patungong Kananga, Leyte.

Nadiskubre ang bangkay ni Thea ng mga lokal na magsasaka sa Barangay Tigbao, at agad nilang ini-report ang insidente sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Nakilala ng mga kaanak ang biktima dahil sa mga tattoo nito sa katawan at physical features.

Wala pang ibinibigay na detalye ang mga awtoridad sa mga posibleng suspek at motibo sa krimen upang hindi maabala ang isinasagawang imbestigasyon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).